- Mashhoor Muhammad AlSuhaibi
- King Fahd National Library
- Muhammad Rodriguez
- 2018
- 55
- 5735
- 2525
- 2080
ang aking paniniwala
Aqīdati – Ang Paniniwalang Islamiko para sa mga Baguhan
Ang lahat ng papuri ay ukol sa Allāh, pinupuri natin Siya,hinihingi ang Kanyang tulong at apatawad, at ang kapayapaan at pagpapalanawa ng Allāh ay mapasa-Propeta Muhammad.
Ang tao ay nilikha sa buhay na ito para sa isang layunin; at malinaw na ginabayan siya ng Allāh (SWT) sa layuning iyan. Iyan ang dahilan kung bakit ipinadala ang mga sugo sa panahong nagdaan upang ihatid ang Kanyang marangal na mensahe sa sangkatauhan.
Sinabi ng Allāh, ang maluwalhati: (At hindi Ako (Allāh) nilikha ang jinn at sangkatauhan maliban sa sambahin nila ako (lamang)) (Ang marangal na Qur’ān 51:56)
Iniatas sa bawat tao ang pagsunod sa huling pahayag ng Allāh (SWT) at kamtin at pairalin ang mga turong ipinangaral ng huling tatak (selyo) ng lahat ng mga Propeta,si Muhammad(SWT). Ang paraan upang mapagtagumpayan ang lahat ng iyan ay ang kaalaman. Iyan ang dahilan kaya pinuring malabis ng Allāh (SWT) yaong mga tumatahak sa landas na ito at ginugugol ang kanilang sa paghahanap nito.
Sinabi ng Allāh, ang maluwalhati: (Itataas ng Allāh ang mga antas ng sinuman sa inyo na naniniwala, at yaong mga na pagkalooban ng kaalaman. At ang Allāh ay lubos na nakakaalam sa inyong mga ginagawa.) (Ang marangal na Qur’ān 58:11)
Isinalaysay ni Abu Hurairah (RAA) na sinabi ng Propoeta (SAW): “ Sinuman ang tumatahak sa isang landas na naghahanap ng kaalaman, pagaanin ng Allāh (SWT), para sa kanya, sa pamamagitan niyon ang isang landas tungo sa paraiso. (Muslim)
Isinalaysay ni Mua’wiah ibn Abi Sufyan (RAA) na sinabi ng Propeta: “ Sinuman ang hangarin ng Allāh (SWT) ng kabutihan, pagkakalooban niya siya ng pang-unawa sa deen (relehiyon).” (Al-Bukhārī and Muslim)
Ang pinakamarangal sa lahat ng kaalaman ay ang Qur’ān; pagsunod sa patnubay nito; pagtalima sa mga turo nito; mapagbuti ang pagbasa nito; at pagninilay sa maningnig at malalim na pananalita at kahulugan nito.
Sinabi ng Allāh, ang kataas-taasan: “ Isang Aklat (ito) (ang Qur’ān) na aming ibinaba sa inyo, tigib ng mga pagpapala upang pagnilayan nila ang mga talata nito, at upang maalala ng mga taong nakakaunawa.” (Ang marangal na Qur’ān 38:29)
Isinalaysay ni Othman ibn Affan (RAA) na sinabi ng Propeta (SAW): “Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong natutuhan ang Qur’ān at naituro ito.” (Al-Bukhārī)
Pagkatapos ng marangal na Qur’ān ay sumusunod ang kaalaman ng Sunnah ( Ang mga turo ni Propeta muhammhad (SAW); Pag-aaral ng Kanyang talambuhay at pagsunod sa Kanya sa paniniwala, mga ugali at asal.
Sinabi ng Allāh, ang kataas-taasan: “Katiyakang mayroon para sa inyo sa sugo ng Allāh at huling araw at (siyang) iaalala ang Allāh nang madalas.” (Ang marangal na Qur’ān 33:21)
Source: King Fahd National Library